Una sa Balita

₱300M intel support ng US sa ‘Pinas aprub sa Palasyo

By
0 580

IKINALUGOD ng Malacañang ang pangakong mahigit 300 mil­yon pisong intelligence support ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na welcome sa Palasyo ang hakbang ng gobyerno ng Amerika na indikasyong patuloy na lumalakas ang military alliance sa pagitan ng dalawang bansa.

Kailangan aniya ng Pilipinas ang lahat ng tulong at kooperasyon ng mga bansang miyembro ng United Nations upang malabanan at matuldukan ang teroris­mo.

Binigyang-diin ni Panelo na walang kinikilalang teritoryo, relihiyon at politika ang terorismo.

“We welcome the United States’ commitment in fighting terrorism. This shows that our military alliance remains strong,” ani Panelo.

Tinitiyak naman ng Malacañang na mas pinalakas pa ng gobyerno ang mga hakbangin upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.

Nanawagan si Panelo sa publiko na maging alerto at mapagmatyag sa kanilang komunidad at ireport agad sa mga awtoridad ang mga mapapansing mga kahina-hinalang kilos na posibleng maghatid ng panganib sa mga ino­senteng mamamayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy