Una sa Balita

₱3.4M shabu nasamsam sa 2 tulak

0 249

Tinatayang nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang umano’y big-time drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Muntinlupa City.

Kalaboso sina Joehari Mamasainged, 25-an­yos, at Naser Cayagcag, 21, kapwa ng New Lower Bicutan, Taguig City.

Batay sa ulat, nagsagawa ng buy-bust ope­ration ang mga awto­ridad laban sa mga suspect sa Lakefront, Su­cat alas-sais kamakalawa nang gabi.

Agad na dinakma ng mga awtoridad ang mga suspek nang bentahan umano ng iligal na droga ang poseur buyer sa lugar.

Nakumpiska kina Mamasainged at Cayagcag ang limang pirasong nakatali na transparent plastic bag na nagla­laman ng hinihinalang shabu na halos 500 gramo at nagkakahalaga ng P3,400,000, isang Mio Sporty motorcycle; cellphone at buy-bust mo­ney. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More