Una sa Balita

₱2M iligal na droga nasabat sa warehouse

0 254

NASA dalawang milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa magkahiwalay na package sa isang warehouse sa Pasay City kahapon nang umaga.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang unang nasa­bat ng mga awtoridad ang isang envelope mula sa Bahrain na naglalaman ng 0.27 kg na shabu na kung saan nakapangalan kay Abraham Salas Jr, ng Marilao Bulacan.

Makalipas ang ilang minuto nasabat sa pa­ngalawa ang 0.54 kg na ecstasy na nagkakaha­laga naman ng P1.7 milyon na nakalagay naman sa isang printer na nakapa­ngalan naman kay Christian Chan ng San Juan Metro Manila.

Habang ang dalawang­ shipment naman na mari­juana na may tatak na hemp gummy candies dried leaves ay dineklarang pancake mix and lotion na galing naman ng America na nakapangalan naman ito kay Steven Marple ng Antique at Betty Lu ng LCG marketing sa Cagayan De Oro City.

Samantala ang 0.135 kg naman na cocaine ay nasabat din ng mga tauhan ng BoC sa NAIA na dineklara naman na laruan mula United States na nakapangalan naman kay Jose Maristela ng Makati City.

Napag-alaman na sa pagkakadiskubre ng mga nasabing droga ng mga tauhan ng BoC ito’y matapos dumaan sa profile gamit ang K9 sweeping ng PDEA at x-ray machine ng customs examiner.

Sa ngayon ay patuloy pa rin nagsasagawa ng imbes­tigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkakadiskubre sa mga naturang droga. ­(Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy