Una sa Balita

₱285K shabu nasabat sa 5 tulak

0 405

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang limang lalaki na mga tulak ng iligal na droga, sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas City.

Kinasuhan na ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Dave Angeles, 35; Mico Robles, 24; Raymond Adalin, 25; Lewie Garcia, 42 at Joseph Bergantin, 45, mga residente ng Brgy. Tangos.

Alas-nuwebe kahapon ng umaga, ikinasa ang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Si Angeles ang kausap ng pulis na nagsilbing buyer ng shabu, habang kasama nito ang apat na kapwa niya tulak.

Bumili ng P1,000 hala­ga ng droga ang poseur buyer kay Angeles at nang makuha na nito ang iniabot na marked money, dinamba na sila ng mga nakaantabay na pulis.

Nasamsam sa mga suspek ang 38 gramo ng shabu na may market value na P285,000. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More