Una sa Balita

₱27K shabu nasabat sa tambay

0 293

Arestado ang isang nagpapakila­lang tambay lamang matapos madampot sa ikinasang buy-bust operation at makuhanan ng apat na gramo ng shabu sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City kahapon nang hatinggabi.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Easter­n Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Joey Arroyo, 38-anyos, residente ng Pasig City.

Inaresto ang suspek bandang alas-12:30, Martes nang hatinggabi sa kahabaan ng Bal­tazar St. ng nasabing barangay, matapos makatanggap ng tip ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit kaugnay sa pagtutulak ng suspek.

Nakumpiska mula kay Arroyo ang 10 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P27,200 at P300 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerou­s Drugs Act. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More