Una sa Balita

₱24B flood control project kinatay ni Digong

0 418

HAGIP sa P95.3 bilyong vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget ay ang P24 bilyon para sa flood control at drainage project.

Ang P95 bilyon ay sinasabing pork barrel fund ng mga kongresista at mga senador. Sa halagang ito, P75 bilyon ay sa Kamara, habang P20 bilyon naman sa Senado.

Sa nasabing halaga napag-alaman na P42.6 bilyon ay dapat ipopondo sa mga lokal na mga kalsada at tulay habang P24 bilyon naman ay ilalaan sa mga flood control at drainage project.

Matatandaan na inimbestigahan pa ng Kamara ang flood control scam na kinasasangkutan ng balae ni dating Budget Secretary Benjamin Diokno.

Umaabot naman sa 77% o katumbas ng P73.7 bilyon ang nakalaan sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa National Capital Region (NCR).

Ang nalalabing P21.66 bilyon ay nakakalat sa iba’t ibang rehiyon kabilang ang Region XI o Davao Region na balwarte ni Pa­ngulong Duterte na may pondong P4.5 bilyon.

Pangalawa ay ang Region 3 o Central Luzon kung saan kongresista ng Pampanga si House Speaker Gloria Arroyo na may P4.2 bil­yong pondo.

Pangatlo sa listahan ang Region IV-A o Calabarzon kung saan naman isang distrito ay kinakatawan ni Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas; ang pang-apat naman na Region V o Bicol Region ay may P2.28 bilyon kung saan naman nagsisilbi si Camarines Sur at House Committee on Appropriation Chairman Rolando Andaya. (Aries Cano)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy