Una sa Balita

₱20B right of way pinakatay ng DPWH

Andaya sinupalpal ni Ping

By
0 581

SINUPALPAL ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang pahayag ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. na madidiskaril ang ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyong Duterte dahil sa ginawang pagkatay ng Senado sa P17B alokasyon para sa right of way sa ilalim ng 2019 proposed national budget.

Ayon kay Lacson, mali ang pinalalabas ni Andaya­ na P17B ang tinanggal ng Senado dahil umaabot ito sa P20B.
Ginawa aniya ito ng Senado dahil na rin sa basbas ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagsabing hindi nila kailangan ang nasabing pondo.

“Wrong again, Mr Congressman. It’s 20B, and upon DPWH’s recommendation, saying they don’t need it. I should know. I interpellated on that issue,” diin ni Lacson sa tweet nitong Linggo, Marso 17.

Kalakip ng tweet ni Lacson ang artikulo sa isang online news kung saan sinabi ni Andaya na tinanggal ng Senado ‘unilaterally’ ang P17B pondo sa right of way sa proposed 2019 national budget.

Pinalalabas ni Andaya, chairman ng House committee on appropriations, na ang ginawang pagkatay ng Senado sa right of way fund ang siyang didiskaril sa proyekto ng gobyerno, at hindi ang ginawang itemization ng Kamara sa panukalang budget.

“How can projects be started without these right-of-way payments? Billions of pesos worth of roads will never begin construction even if these projects are fully funded,” banat pa ni Andaya.

Hanggang ngayon, aniya, hindi pa sinasabi ng liderato ng Senado kung saan itinago ang P17B pondo sa right of way.
Ang pondo ng right of way ay kalimitang nababahiran ng korapsyon kaya’t inimbestigahan ng Senado ang bayaran ng mga pekeng road right of way.

Nauna rito, inakusahan din ni Lacson ang Kamara na nililito ang publiko gamit ang paiba-ibang palusot upang maitago ang pagkalikot sa P3.757-trilyon 2019 budget.

Ayon kay Lacson, kahit pa gumamit ng sangka­terbang ‘talking heads,’ hindi maitatago ng liderato ng Kamara ang pagkalikot sa mga pondong nakapaloob sa pambansang budget.

“Trying to hide their unconstitutional post-ra­tification budget realignments by claiming they wanted to itemize lump sums in the name of transparency: If that’s not irony – or hypocrisy, I don’t know what is,” dagdag pa ng mambabatas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy