Una sa Balita

₱20B pautang ng China pinasisilip sa Senado

0 602

NAIS ni Senador Leila de Lima na magsagawa ang Senado ng imbestigasyon sa P20-billion loan agreement sa Chinese telecommunications firm upang pondohan ang pagkakabit ng 12,000 closed-circuit television (CCTV) security cameras sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila at Davao City.

Sa kanyang Senate Resolution No. 978, hinimok ni De Lima ang kinauukulang komite sa Senado na busisiin ang loan deal sa pagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at China International Telecommunications and Construction Corp. (CITCC).

Iginiit ni De Lima na dapat malaman sa pagsisiyasat kung malalagay sa alanganin ang right to privacy ng mga Filipino at ang national security ng bansa sa naturang deal.

“Public interest requires that inquiry be made as to the threats to the Philippines’ national security contracts entered into with foreign companies whose questionable track-record raises international concern,” saad ni De Lima.

“The right of the people to privacy necessitates that an inquiry be made into the information sought to be collected through surveillance using equipment sourced from these Chinese companies,” dagdag ng mambabatas.

Ang loan agreement ay kasama sa 29 na kasunduang nilagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping noong Nobyembre 20.

Alinsunod sa kasunduan, ang mga security camera ay ilalagay sa mga crossing, roads, public plazas, business districts, science and technology parks, residential areas at stadiums.

Kasama rin sa kasunduan ang national command center sa Clark, Pampanga.
Ayon sa senador, nagduda na ang mga bansang Canada, Estados Unidos, United Kingdom, Australia at New Zealand sa Huawei dahil sa posibleng malagay sa alanganin ang kanilang national security.

Pinag-iisipan na umano ng Australia na i-ban ang Huawei dahil sa kanilang ­pangamba na ibigay ng kompanya sa Chinese government ang anumang impormasyong makukuha ng mga ibinebenta nilang cellphone.

“Granting China, a country fast gaining international notoriety for its aggressive espionage activities, the opportunity to ­create a surveillance system in our country should raise a red flag for our policymakers to ensure that none of our national interests are compromised by such agreements, particularly our national security,” babala ni De Lima.

Binanggit din nito ang ­naging babala ng US Intelligence agencies laban sa paggamit ng smartphone ng Huawei dahil sa may kapasidad umano ang kompanya na magnakaw ng impormasyon at magsagawa ng undetected espionage. (Dang Samson-­Garcia/Anne ­Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy