Una sa Balita

₱20B DILG cctv project pinuntirya

By
0 530

MARIING tinutulan ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano ang P20 billion CCTV network project sa pagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at China International Telecommunications and Construction Corp. (CITCC).

Sa ilalim ng partnership ng DILG at CITCC ay magsasalpak sa loob ng 30 buwan ng inisyal na 12,000 closed-­circuit television (CCTV) ­camera sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila at Davao City.

Itatayo ang national command center sa Clark, Pampanga.

“It is a well-documented fact that China is a surveillance state. Lahat ng kilos, maski kung anong sabihin ng ordinaryong mamamayan sa social media ay kanilang hinahalungkat. Kung papayag ­tayong mailagay itong mga CCTV na ito sa ating mga pampublikong lugar, sinong makapagsasabing hindi nila ito gagamitin para panghimasukan ang ating ­buhay?” ani Alejano.

Binanggit nito na kamakailan lamang ay isang senior staff ng Chinese telecommunications company na Huawei ang inaresto sa Poland dahilan sa diumano’y paniniktik.

Pati na ang finance chief ng Huawei ay dinampot din umano ng Canadian government.

“Lahat ba talaga dapat made in China? Baril, internet, tulay, trabahador, CCTV, at iba pa puro na China. This persistent coddling of China, despite the clear conflict of interest reeks of a major national ­security disaster. Dapat lubusang malimitahan, kung hindi tuluyang matigil ang ganitong kalakaran,” pagdidiin ni Alejano.

Samantala, may mga ulat din ayon kay Alejano na nagsasabing hindi kinonsulta ang Department of Information and Communications Technology (DICT) tungkol sa proyekto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy