Una sa Balita

₱200K reward sa pagresolba ng Maguindanao killing

0 355

Nag-alok ng P200,000 reward ang pamahalaang lokal ng Sultan Kudarat, Maguin­danao para sa sinuman na makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon kaugnay sa suspek na kumi­til ng buhay ng dalawa katao sa serye ng pagpatay sa Sultan Kudarat highway.

Ayon kay Major Julhamin Asdani, hepe ng Sultan Kudarat Police, naglatag ng pabuya si Mayor Shameen Mastura at ang konseho para agarang malutas ang kaso ng pagpatay sa highway.

Batay sa report, nasawi si Pat. Asrhap Mato ng Police Regio­nal Mobile Force Battalion ng Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Min­danao, resi­dente ng Datu Odin Sinsuat, at tinamba­ngan ng mga motorcycle riding-in-tandem noong Lunes, ala-una nang hapon sa Barangay Gang.

Habang napatay noong Sabado nang umaga si Rocelito Balboa, 50-anyos, chief mechanic ng Sultan Kudarat-based Lamsan Tra­ding Corporation sa Barangay Pigcalagan makaraang tamba­ngan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Naglaan ng P100,000 ang pamahalaan para sa makahuhuli sa mastermind at mga kasabwat sa pagpatay kay Mato habang P100,000 din ang inilaan para sa suspek sa Balboa ambush-slay. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy