Una sa Balita

₱20 umento sa sahod barya

By
0 358

Tinga lang at masyadong katiting ang P20 na umento sa suweldo na pinag-uusapan at iniuumang ng mga employer at Department of Labor and Employment (DOLE).

Hindi sasapat ang P20 na dagdag sa sahod ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa gitna ng taas pasahe at dagdag singil sa tubig bukod pa sa patuloy na paglobo ng mga presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo.

“Parang sinampal ang mga manggagawa sa P20 na sinasabing dagdag na sahod na sinasabi ng mga employers. Ang kahilingan ng mga manggagawa ay ang P750 minimum na arawang sahod para makaagapay man lang sa hirap ng buhay sa ngayon,” pagdidiin ni Rep. Zarate.

Batay aniya sa IBON Foundation, ang arawang kita ng isang pamilya na may limang miyembro ay dapat pumapalo sa P1,001.

Sa P20 na umento umano ay aakyat lamang sa P532 ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) na kalahati lamang ng halagang kailangan ng pamilyang Pinoy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy