Una sa Balita

₱2.2M reward sa gunman sa Reluya ambush

By
0 249

MAGBIBIGAY ng P2.2 milyong reward money si San Fernando, Cebu Mayor Lakambini Reluya sa sinumang makakapagturo o makakapagbigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng gunman na pumaslang sa kanyang asawa at dalawang mga bodyguard sa naganap na pananambang noong Ene­ro 22.

Ayon kay Mayor Reluya, ang na­sabing halaga ay pinagtulungang ipunin ng kanyang pamiya at mga kaibigan upang mapadali ang hustisya sa pamamaslang sa kanyang asawang si San Fernando Association of Barangay Chairman (ABC) President Ricardo Reluya at dalawang bodyguard na ikinasugat din ng alkalde sa naganap na ambush noong gabi ng Enero 22 sa Barangay Lawaan, Talisay City, Cebu.

Sa kauna-unahang pagharap sa media ni Mayor Reluya mula nang naganap ang ambush, sinabi nito na sa kabila ng pangyayari ay wala siyang planong umatras sa kanyang kandidatura bilang reelectionist sa mayoralty position sa nabatid na bayan.

Ipinakita din nito ang marka ng tinamong tama ng bala sa naganap na pananambang.

Humingi na rin umano siya ng police escort kay Police Regional Office (PRO) 7 Regional Director Chief Supt. Deblod Sinas para sa nalalapit na kampanya ng mga lokal na kandidato.

Inilabas ni Mayor Reluya ang mga contact number na 0906-315-7045, 0922-342-7228 at 0939-406-8325 sa sinumang nais magbigay ng impormasyon na may kinalaman sa madugong pananambang sa kanilang grupo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy