Una sa Balita

₱1M shabu nasabat kay lolo

0 327

NASAMSAM sa 74-an­yos na lolo ang higit P1 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City, Linggo nang tanghali.

Kinilala ni PCol. Noel E. Flores, hepe ng Caloocan Police ang suspek na si Alcober Rosevelito, alyas ‘Bos­sing’, ng Phase 4, Pac­kage 4, Block 29, Lot 2, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Ayon kay Flores, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa kahabaan ng Moonflower St., Phase 3, BF Homes Subdivision, Barangay 168, Deparo, Caloocan City.

Para makorner si Rosevelito, isa sa mga pulis ang nagkunwa­ring buyer at umiskor ng iligal na droga sa hala­gang P3,000.

Nang iniabot na ng suspek ang isang plastic sachet na may lamang shabu, doon na siya hinuli ng mga pulis.

Makaraang kapkapan, nakuha pa sa kanya ang 150 gramo ng shabu na may street value na P1 milyon. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More