Una sa Balita

₱1B iligal na yosi sinira sa CDO

0 145

WINASAK ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang higit isang bilyong pisong iligal na produkto ng tobacco at makina na paggawa nito na aabot sa P120 milyong, sa isang pasi-lidad sa Brgy. Bayabas, Cagayan de Oro, kamakalawa.

“The destruction of these machinery is mandated by law to ensure that these devices can never be used in pursuing illegal manufacturing of cigarettes,” ani BIR Director for Northern Mindanao Nuzar Balatero.

Una nang nakumpiska ang mga nasabing iligal na sigarilyo at mga makina noong Mayo 2018 sa mga raid na ginawa sa Misamis Oriental.

Ayon naman kay BIR Strike Team Chief Remedios Advincula kabilang umano sa mga nagpapatakbo ng paggawa ng hindi rehistradong sigarilyo ay ilang dayuhan na tinanggi nang pangalanan.

Aniya, nagsampa na ito ng kaukulang kaso sa Department of Justice kabilang ang hindi pagbabayad ng excise taxes.

(Yves Briones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy