Una sa Balita

₱19B budget sa gamot, bakuna ikinasa

0 193

PLANONG bumili ng gobyerno ng P19.1 bilyon halaga ng mga gamot at bakuna at 80% nito ay ipamamahagi sa mga probinsya, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Ang purchase order ay nakasaad sa 36-page Budget Message ni Panguong Duterte para sa 2020 na nagsisilbing cover letter ng makapal na dokumentong nagdedetalye sa panukalang P4.1 tril­yong national budgent na pinadala sa Kongreso.

Sa kanyang mensahe sa mga mababatas, sinabi ni Duterte sa kanyang direktiba na 80% ng bibiling gamot at bakuna para sa 2020 ay ipamimigay sa mga lalawigan kung saan mataas ang insidente ng iba’t ibang uri ng sakit.

Kung gagamit lang umano ang gobyerno ng bagong forumula sa pag-distribute ng mga gamot at bakuna, hindi na magkakaroon ng pagkasira ng mga nakatambak ng gamot sa warehouse ng Department of Health (DOH).

“Kung ang gamot ay dapat fast-acting, ganoon din dapat ang distribution nito. This rule in dispensing drugs is as old as the proverb ‘Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?’” ani Recto.

Mahigit 20% ng panukalang P92.2 bilyon pondo ng DOH para sa susunod na taon ay gagamitin sa pambili ng mga gamot at bakuna.

Subalit hindi na umano kailangang pa ng DOH na hintayin ang presidential instruction para sa distribusyon ng mga naka-stock na gamot sa warehouse.

“They should do it now, because drug spoilage is not a blockbuster movie that merits sequels,” ayon kay Recto. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy