Una sa Balita

₱17M jackpot sa lotto nadale ng taga-Taguig

By
0 500

Nadale ng mananaya mula sa Bicutan, Tagui­g City ang P17 milyong jackpot ng 6/42 lotto draw, Huwebes nang gabi.

Ayon sa pamunuan ng Philippine Chari­ty Sweepstakes Office (PCSO), natumbok ng solo winner ang six di­git winning combination na 21-31-11-19-01-13 na may jackpot prize na P17,515,528.00.

Mayroon namang 68 bettors ang kukubra ng P9,100 bawat isa matapos makuha ang limang numero.

Ang regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy