Una sa Balita

₱160M pekeng sigarilyo, stamp nasamsam sa Bulacan

0 243

NAKUMPISKA ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P160-milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo at iba pang mga produktong naipuslit na nakatago sa loob ng ilang bodega sa Bulacan.

Ayon sa BOC, natuklasan ng ESS ang 1,339 master cases ng pekeng sigarilyo, na nagkakahalaga ng P40.170 mil-yon, sa loob ng bodega sa Benedicto St., Prenza Uno, Marilao, Bulacan.

Branded ang natu-rang mga sigarilyo na kinabibilangan ng Belmont, Camel cigarettes, Double Happiness, Fortune, Hope, Marlboro, Modern, at Mighty.
Samantala, siyam na cigarette-making machines at fake cigarette tax stamps na nagkakahalaga ng P120 milyon ang nadiskubre ng BOC sa loob ng isang bodega sa Kaybanto, Caysio Road sa Sta. Maria, Bulacan.

Kasama sa iba pang mga item na nakumpiska ng gobyerno ay ang imported drinking glas-ses at mga wall clock.

Isang Warrants of Seizure and Detentions ang inilabas ng BOC laban sa naturang mga item na isang pag-labag sa Customs Mo-dernization and T­ariff Act. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy