Una sa Balita

₱15B UP budget natengga sa Senado

0 227

InaprUbahan ng Senate Finance Committee ang panukalang 2020 budget ng Commission on Higher Education (CHED) at 111 state universities and colleges (SUCs) sa bansa.

Sa pag-apruba ng naturang pondo, ayon kay Senador Pia Ca­yetano, vice chair ng komite, isusumite na sa plenary deliberation ang P40.78 bilyong pondo ng CHED gayundin ang P49.46 bil­yon panukalang pondo ng mga SUC.

Samantala, ibinitin muna ang pag-apruba ng panukalang P15.40 bilyong pondo ng University of the Philippines (UP) hangga’t nasumite na nila ang hinihinging dokumento ng komite.

“On UP, humingi kasi ako ng development sa status ng pro­jects, because a big portion of the highe­r education budget goes to UP. And I have been a big supporter [of UP’s budget] for many years,” paliwanag ni Cayetano.

“I just want them to properly explain to me what these programs are, the projects, the timelines, the status, so that tuloy-tuloy naman tayong makatulong sa UP at responsible naman tayo sa pag­lagay ng pondo,” dagdag pa nito.

Nangako din si Ca­yetano na kanyang susuriin ang malaking tinapyas sa pondo ng CHED na umabot sa P11 bilyon.

“The biggest concern of CHED and SUCs is that they have at least P11 billion [budget cut] that is meant to finance [va­rious education programs]. Ito ang haha­napan natin ng pondo,” sabi ni Cayetano sa panayam ng mga reporter.

“These are [for] students who have previously been awarded scholarships, and then may incoming graduates din na mag-aavail [ng scholarships], so may shortage tayo diyan,” paliwanag nito.

Maari umanong kuhanin ang pondo para sa CHED mula sa ‘unobligated fund’ sa ilang ahensiya ng gobyero para sa 2019 budget.

“Ang ine-expect kong makuha doon sa mga hindi nagamit, mga unobligated [funds] nila is around P8 billion,” sabi pa ng senadora.

“We consider our human resources as the most important resource that we have. So their education is very important. I already have the source for funding. We just have to rationalize and prioritize projects,” dagdag nito. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy