Una sa Balita

₱15.4M kinubra ng mga ‘bubwit’ ng AFP

0 275

NAKATANGGAP ng kabuuang P15.4 milyon cash reward ang apat na impormante na siyang responsable sa pagbigay ng mahalagang impormasyon na naging dahilan ng pagkakaaresto ng pitong lider at sub group leader ng mga tero­ristang grupo sa bansa.

Personal na inabot nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Lt. Gen Felimon Santos Jr. at Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Archie Francisco Gamboa ang cash reward sa apat na informant sa isinagawang Joint AFP and PNP Awarding of Rewards Claim sa loob ng Intelligence Service sa Camp Aguinaldo kahapon.

Ang unang informant ay nakatanggap ng cash reward na P12.4 milyon matapos na makapagbi­gay ng mahalagang impormasyon dahilan ng pagkakapatay kina Abu Sayyaf Lider Isnilon Hapilon at Daesh Inspired Maute Group lea­der na si Omar Khayam Maute.

Si Hapilon at Maute ay namatay sa joint operation ng AFP at PNP sa Marawi City noong taong 2017.

Pangalawang informant ay nakatanggap ng P600,000 na dahilan ng pagkaaresto kay Jumar Ibrahim ng Daesh Inspired Maute Group sa Bagong Silang, Caloocan City.

Pangatlo naman ay nakakuha rin ng P600,000 nang makapagbigay ng impormasyon sa pagkakapatay ng Abu Sayyaf leader na si Mohammad Aklam Said sa Patikul, Sulu noong 2016.

Nakatanggap naman ng P1.8 milyon ang isa pang informant dahil sa pagkakaaresto ng tatlong miyembro ng Abu Sayyaf.

Layon ng reward system na hikayating magbigay ng mahala­gang impormasyon ang mga sibil­yan para mahuli ang mga indibidwal na nagiging banta sa seguridad ng bansa. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More