Una sa Balita

₱13K inipit sa bimpo ng kahera

0 345

HINDI na nakaporma ang isang 39-anyos na kahera nang damputin ng kanyang amo nang naaktuhang isinisiksik ang P13,000 sa bimpo sa isang tinda­han sa Trece Martires City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Trece Martires City Custodial Center si Rizalina Regner, may-asawa, Kahera ng Sean Ivan Grocery at residente ng Brgy. De Ocampo, Trece Martires City dahil sa reklamo ni Gaudencio Cano, 54, may-asawa, isang negosyante ng Block 19A Lot 85A West Plain Town Homes, Brgy. De Ocampo, Trece Martires City.

Sa ulat ni Pat John Gregory Bago ng Trece Martires City Police Station, alas-8:55 ng gabi nang mapanood ni Cano sa CCTV ang kahinahinalang ikinikilos ni Regner.

Ilang sandali pa ay napanood nito na kumuha ng tig-iisang libong piraso sa kaha at isiniksik sa hawak niyang bimpo, dahilan upang pigilan ito at isuplong sa mga awtoridad. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy