Una sa Balita

₱10M nasabat sa Cebu drug bust

0 252

Matapos ang ilang buwang pagmamanman ay bumagsak na sa kamay ng pulisya ang isang high value target (HVT) na tulak ng iligal na droga, nasamsam dito ang nasa P10 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Toledo City, Cebu kahapon.

Hindi na nakapalag pa nang arestuhin ng mga tauhan ng Toledo City Police ang suspek na nakilalang si Dandelo Cabajar, 42-an­yos, nakuha sa pag-iingat nito ang aabot sa 1.47 kilo ng pinaniniwalaang shabu na may street va­lue na P9.96 milyon.

Ayon kay Cebu City Police Station chief Police Lt. Col. Janette Rafter, may ilang buwan na rin umano nilang binabantayan ang suspek na si Cabajar na isa sa mga HVT ng lalawigan ng Cebu.

Ayon pa kay Rafter, ang pagkakadakip kay Cabajar ay produkto ng kanilang isinaga­wang operasyon matapos na maaresto si Jefferson Artes, 39, na nadakip ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Toledo City PNP noong Oktubre 8 sa Barangay Das.

Nakuha kay Artes ang tinatayang 30 gramo ng shabu na may halagang mahigit sa P200,000.

Si Artes ay kumukuha kay Cabajar ng shabu kaya nakipagtransak­syon ang pulisya sa huli gamit ang cellphone ni Artes at nagkasundo sila na magkita dahilan ng pagkakadakip nito. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy