Una sa Balita

₱10B isasapin para makontra DOH mass layoff

0 396

PINADADAGDAGAN ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ng P10 bilyon ang budget ng Department of Health (DOH).

Nananawagan si Arroyo sa Bicameral Conference committee na tumatalakay sa 2019 national budget na kargahan ng P10B dagdag na pondo ang DOH para sa mga kinakaila­ngang health facility at mas mara­ming health personnel.

Inatasan ni SGMA si Bicameral Conference Co-Chairman at House committee on appropriations Chairman Rolando Andaya Jr. na magdag­dag ng P5B para sa Health Facilities Program nang sa ga­yon ay mai-­upgrade ang mga ospital ng gobyerno at mga barangay health center.

Hinihirit din ni Arroyo na maglaan ng P5B para naman sa Health Human Resources Development upang maawat ang nakaambang mass layoff ng tinatayang 6,000 health personnel kabilang na ang mga doktor, nurse at dentista na nagli­lingkod sa mga ­government health facility.

“There should be consistent support to our health sector because DOH plays a very crucial and frontline role and in the never-ending need for sufficient and timely healthcare especially in our poor communities. It needs all the funding support it could get especially in the light of the passage of the Universal Health Care bill,” pagbibigay-diin ni SGMA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy