Una sa Balita

₱100M pork kada cong ‘di uubra kay Digong

0 233

NAMEMELIGRONG mapurnada ang tig-100 milyong piso ng mga kongresista sa 2020 proposed national budget kapag hindi ito pumasa sa panlasa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bilang reaksiyon sa pag-amin ni Albay Rep. Joey Salceda na mayroong P100 mil­yong inilaan sa bawat kongresista para sa mga ‘hard project’ sa kani-kanilang distrito.

Sinabi ni Panelo na si Pangulong Duterte ang magpapasya kung aaprubahan o hindi ang inilaang budget sa sandaling maisumite sa kanya ang 2020 national budget.

Tiyak aniyang ive-veto ito kung sa tingin ng Presidente ay labag sa Kons­titusyon ang paglalaan ng ganoon kalaking pondo para sa mga kongresista.
“Aantayin natin ‘pag sinubmit na kay Presidente. And then the President will decide whether it’s pork or not. He will veto it if it’s against the Constitution,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na kahit pa ang Executive department ang nagproseso sa mga hard project, ang Pangulo pa rin aniya ang magpapasya kapag nakarating na ito sa Malacañang.

“It doesn’t matter whether the Executive ang nag-process nyon. The ultimate hand that will veto or approve it will be the President,” dagdag pa ni Panelo.

Tiniyak naman ng Makabayan bloc na hindi nila kukunin ang P100 milyong alokasyon bawat congressman sa ilalim ng P4.1 trilyong budget para sa taong 2020.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, maituturing pa ring pork barrel fund ang nasabing pondo kahit na naka-line item ito.

“Even itemized allotments can be considered pork barrel as long as congresspersons exercise discretion on its implementation like selecting beneficiaries and contractors,” saad ni Zarate.

“We believe this is still a violation of the Supreme Court decision… the pork barrel system should be abo­lished. Hiding behind semantics and technical definitions would not do,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang 2020 proposed budget upang mapabilis ang pagpapatibay nito sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Panelo na ayaw ng Pangulo na maulit ang nangyari sa 2019 budget kung saan naantala ang pagpapatibay nito kaya’t napilitang gamitin ang reenacted budget. ­(Aileen Taliping/JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy