Una sa Balita

₱10 pasahe sa jeep umpisa ngayon

0 856

UMPISA na ngayong araw ang pagpapatupad ng P10 na minimum na pamasahe sa mga public uti­lity jeepney (PUJ) sa kabila ng gagawing ­review ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa ­inaprubahang P2 ­dagdag-pasahe alinsunod sa kautusan ng ­Department of Transportation (DOTr).

“We will recommend for the LTFRB to review the fare increase. In the meantime, however, since there is already a decision, LTFRB can still implement the increase pending the review,” paliwanag ni DOTr officer-in-charge Undersecretary for Road Transport Mark de Leon.

Ipinaliwanag ni Secretary Arthur Tugade na ang fare hike ay dapat nakabase sa ‘pre-determined matrix’ kung saan ito ang magsisilbing basehan kung dapat na magdagdag sa pamasahe o hindi.

Sinabi nito na ang matrix na ginamit ng Air sector kung saan nakabase ang adjustment sa fuel subcharge ay alinsunod sa presyo ng langis kada bariles at consumer price index.

“Ang presyo ng gasolina, ‘pag tumaas per ­barrel, or ‘yung consumer price index tumaas per barrel, magtaas ka at a certain amount. ‘Pag buma­ba, auto­matic ibaba mo rin. ‘Pag hindi ka sumunod, may penalty,” dagdag nito.

Aniya, ang matrix at hindi ang petition ang magiging punto ng diskusyon at deliberasyon ng board. “That matrix is not unilateral, that is the one subject to hearing. ‘Pag nag-agree ‘yan, smooth sailing na po,” paliwanag pa rin ni Tugade.

Ang P10 minimum fare sa mga PUJ ay ­ipapa­tupad sa Metro Manila, Regions 3 at 4, ­habang ang provisional fare hike na P1 sa mga ­commuter bus ay sa Metro Manila at dagdag na P0.15 per kilometer charge sa mga provincial bus.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy