Una sa Balita

₱10.5M papremyo sa MCC 10-Stag Festival

0 325

PINARANGALAN ng Manila Cockers Club Inc. ang tatlo pang derby champion bago ang isagawa ang pinakamalaking event sa pagtatapos ng taon.

Nakamit ng entry na ‘Trueblood of Randy Hebron’ ni John De Leon at ng Barangay Pangil ni Jeffrey Gatica ang korona nang kapwa makalikom ng pitong puntos sa 24th 7-Stag Breeders Festival finals.

Mga runner up naman ang may 6 points ang ‘Blue Aquarius’ ni Francis Gabudao; Blue Raptor Maya ni Monet Lao; ES Survivor and Batang Aratan ni Fredirick Sarino; Mt. Victoria Diamond GF ni R. Villanueva; Puting Bato ni Virgilio Martin and BG; Red Master ni Ray-An Nanad/Rodolfo Jacela; RGB Josef ni Robert Bandarlipe; Robert Kyle ni Renato Villar /Mark Robert Escoto at ‘SPF RAS DH’ nina Hector San Pedro/Danny Halili.

Solo champion din ang nangibabaw sa 23rd 7-Stag Breeders Festival finals kamakailan.

Nakakuha rin ng 7 points ang entry na ‘Princess Oprah Gamefarm’ ni Momoy Adam, para sa kanyang ikalawang titulo, unan siyang naghari sa 5-Stag Breeders Festival taong 2016.

Bago matapos ang 2019, iho-host ng MCC ang 10-Stag Breeders Festival Mega Derby sa Cockers Arena, Carmona, Cavite.

Nakataya ang P10.5 milyong papremyo sa natu­rang sabong na sisiyapol sa San Lazaro Leisure Park.

Para sa mga detalye, kontakin ang MCC hotline sa (02) 696-1120 o 0917-5822615 at bisitahin ang website na manilacockers.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More