Una sa Balita

₱1 rollback sa gasolina, diesel, kerosene

0 408

NAGPATUPAD ng pisong rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo alas-sais kahapon ng umaga.

Sa anunsyo ng Unioil, Phoenix Petroleum at Seaoil ay nasa P1 kada litro ang bawas sa kanilang gasolina, diesel at kerosene.

Ang ipinatupad na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ay dahil na rin sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Sabi ng Unioil, tinaon nila sa long weekend ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel para sa mga nag-umpisa nang bumiyahe kahapon.

Dagdag pa nito na nag-rollback sila ng presyo dahil bumaba rin ang halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sabi naman ng Phoenix Petroleum, nag-rollback ito ng presyo para ma­bigyan ang mga bibiyahe ng mas murang gasolina at krudo para sa mahabang bakasyon. (Armida Rico/Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy