Una sa Balita

₱1.8B nawasak ni ‘Rosita’ sa hilagang Luzon

By
0 214

Umabot sa P1.82 bil­yon ang pinsala sa agrikultura na idinulot ng bagyong Rosita na nanalanta sa hilagang Luzon kamakailan, sabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

Pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte si Piñol nang hindi ito nakita sa impromptu cabinet mee­ting na ginawa sa Isabela matapos ang isang command conference tungkol sa bagyong Rosita sa Isabela noong Undas.

Pinakamalaki ang tama sa mga palayan at may 4,921 mga magsasaka ng bigas ang nalugi sa Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.

Abante Hiring – IT dep

Sabi ni Piñol, 76,696 hektaryang palayan ang nasalanta na ikinawala ng 73,337 toneladang bigas at aabot sa P1.39 bilyon ang nalugi sa mga magsasaka ng bigas.

Pinakamalaki ang pinsala sa Cagayan Valley kung saan P1.2 bil­yong palayan ang nalugi sumunod ang Isabela kung saan P745 milyon ang nalugi sa mga pala­yan, ayon kay Piñol.

Nasira din ang mga tanim na mais at mga high value crops tulad ng kape, saging, manga, rambutan at mga gulayan sa Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Provnce, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Nasa P2.61 milyon naman ang nalugi sa livestock tulad ng baboy, manok, at kambing at P881,000 naman ang pinsala sa fisheries.