Una sa Balita

₱1.5B sinuka ng mga senatoriable sa 1 buwan

Roxas nagwaldas ng ₱349M!

By
0 449

HINDI pa man opisyal na uma­arangkada ang campaign period noong Pebrero 12, umabot na sa halos P1.5B o P46 milyon kada araw ang nagastos ng mga kumakandidatong senador sa eleksyon sa Mayo para sa kanilang TV political advertisements noong Enero.

Ayon sa lumabas na ulat ng Nielsen, isang media market research firm, nangunguna sa lista­han ang leader ng oposisyon na si dating Senador Mar Roxas, na may gastos umanong P349,615,000 sa buwan ng Enero o katumbas na P11,277,903.20 kada araw; sumunod si dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na may gastos na P247,915,000 o P7,997,258,09 kada araw; Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, P162,308,000 o P5,235,7411.94 kada araw; Senador Bam Aquino, P88,774,000; dating presidential spokesman Harry Roque, P78,399,000 o P2,863,677,42 kada araw.

Sumunod sina Sen. Cynthia ­Villar, P74,696,000 o P2,408,548.38 kada araw; dating Senador Juan Ponce Enrile, P72,552,200 o P2,340,377.00 kada araw; Sen. Sonny Angara, P64,299,000 o P2,974,161.29 kada araw; ­dating presidential adviser on political ­affairs Francis ­Tolentino, P54,780,000 o P1,767,096.77 kada araw.

Pang-10 naman sa listahan ang laging nangunguna sa mga survey na si Senador Grace Poe na ­gumastos ng P52,081,000 o ­katumbas na P1,702,580.65 kada araw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy