Una sa Balita

₱1.4B pondo sa promosyon ng mga guro kasado na – Angara

By
0 512

MATATANGGAP na sa wakas ng mga guro sa mga state university and colleges (SUCs) ngayong taon ang kanilang salary adjustment na matagal nang naantala. Ito ay matapos maaprubahan ang 2019 national budget na kinapapalooban ng pondo para sa job promotion.

“Tapos na ang paghihintay ng mga guro sa SUCs,” ayon kay Angara, vice chairman ng Senate committee on finance at pinuno ng sub-committee na tumalakay sa spending package ng Commission on Higher Education (CHED) at ng SUCs, matapos aprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang P3.757-trillion budget para sa 2019.

Ayon kay Angara, base sa bersyon ng Mababang Kapulungan ay may inilaang P1.486 bilyon para sa job promotion ng mga guro sa SUCs.

Nauna nang isinulong ng senador na maglaan ng P2.9 bilyon para mai­patupad ang National Budget Circular (NBC) 461 na dapat sana’y naibigay na nang buo noon pang 2017. Sakop ng nasabing halaga ang 2013-2016 cycle of promotion.
Ngunit kalahati lamang ang halagang inaprubahan ng bicameral conference committee sa ­kadahilanang huli na ang pag-apruba sa 2019 ­national budget.

“Bagama’t kalahati lamang ang naaprubahan sa bicam, malaking bagay na sa wakas ay may nakalaan nang pondo para sa promosyon ng mga guro sa pampublikong pamantasan at kolehiyo,” ani Angara.

“Makakaasa po ang ating mga guro sa SUCs na sisiguraduhin natin na sa susunod na taon ay matatanggap nila ang nalalabi pang halaga para sa kanilang job promotion,” dagdag pa ng senador.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy