Una sa Balita

₱1.3M shabu nasamsam sa Maguindanao vice mayor

0 251

Inaresto ng mga awtoridad ang vice mayor ng Datu Unsay, Maguindanao nang makumpiskahan umano ito ng tinatayang P1.3 milyong halaga ng shabu at mga armas sa kanilang bahay.

Kinilala ni PDEA-BARMM Director Juvenal Azurin ang nadakip na si Datu Unsay Vice Mayor Bai Janine Ameril, asawa ni dating ARMM Assemblyman Sidic Ameril ng 2nd District ng Maguindanao.

Nangyari ang pagdakip matapos ang ikinasang ope­rasyon ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-BARMM at Philippine Drug Enforcement Agency-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) sa compound sa Sitio Ame­ril, Barangay Manggay, Talitay, ng nasabing lalawigan noong Lunes nang madaling-araw.

Alas-singko nang madaling-araw nang pasukin ng mga awtoridad ang bahay ng mga Ameril ngunit ta­nging ang maybahay lamang nito na si Vice Mayor Bai Janine ang kanilang nadatnan.

Nadiskubre sa bahay ng mga Ameril ang nasa P1.3 milyong halaga ng shabu, isang Winchester caliber 30 rifle na may mga bala at karagdagang 40 rounds ng bala ng armalite.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy