Una sa Balita

₱1.2B Rockwell Bridge tinuloy

Tolentino tablado kay Villar

By
0 600

SA kabila ng mga pagtutol mula sa iba’t ibang sektor, tuloy ang pagsasara ng Estrella-Pantalleon Bridge bukas para bigyang-daan ang 30-buwang pagtatayo ulit ng tulay.

Isasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tulay na kilala rin bilang Rockwell Bridge alas-kuwatro ng madaling-araw para sa reconstruction ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“As of today, tuloy ang closure ng bridge. Definite na ito. Wala nang atrasan,” ayon kay MMDA General Mana­ger Jojo Garcia.

Sinabi pa ni Garcia sa panayam ng Abante na wala sa kanilang kapangyarihan na pigilan ang pagsasara ng na­sabing tulay at tanging ang DPWH lamang ang puwedeng kalampagin para pigilan itong isara.

Sinabi ni Garcia na ang tanging magiging papel lamang nila sa oras na isara na ang tulay ay ang paggawa ng mga kaukulang paraan upang kahit paano’y maibsan ang kalbar­yong daranasin ng mga ­motorista sa pagsisikip ng daloy ng trapiko.

“Kami po ay support lang sa mga ­project ng DPWH at kung ano po ang napagdesisyon ng ahensiya wala po ­kaming magagawa. Kami po ay tumutulong lang sa traffic management,” ani Garcia.

Sinabi naman ni DPWH Engineer Virgilio Castillo na matibay pero hindi naka-disenyo para sa isang highly-urbanized city ang tulay.

“We can’t compromise safety over traffic,” paliwanag nito.

Mula sa dating two-lane bridge, lalawakan at gagawin itong four-lane para mas maraming sasakyan ang makadaan.

Sisirain at papalitan aniya ng mas matitibay na materyal ang tulay para matiyak ang katatagan nito laban sa mala­lakas na lindol.

Matatapos hanggang first quarter sa 2021 ang pagkukumpuni at pagpapalawak sa ­tulay na nag-uugnay sa ­Estrella Street sa ­Makati at ­Barangka Drive sa Mandaluyong.
Noong Martes ay lumiham si dating presidential political advi­ser Francis Tolentino kay DPWH Secretary Mark Villar para ihayag ang kanyang pagtutol sa proyekto dahil bago at hindi naman kailangang sirain ang tulay.

“It was inaugurated only on 2011, there is no need for its recons­truction,” ani Tolentino.

Sa halip na sayangin ang panahon at pera sa isang tulay na bago at matibay pa, mas dapat ­aniyang atupagin ng DPWH ang pagpaplano kung paano makakapagtayo ng tulay sa ibabaw ng Pasig River na ­tiyak na magpapagaan sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More