Una sa Balita

₱1.16B supplemental budget para sa mga nabiktima ng Dengvaxia, itinulak

By
0 1,119

HINIMOK ng isang kongresista ang Senado na aprubahan na ang P1.16B supplemental budget na ilalaan para sa ayudang medikal ng mga nabiktima ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Ngayong araw, Hul­yo 23, ay magbubukas ang third regular session ng 17th Congress kaalinsabay ng pangatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay House appropriations committee chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles, krusyal ang bawat araw na nagdaraan para sa mga bata na naturukan ng Dengvaxia.

Batid naman aniya ito ng mga senador.

“At this point there is already a tragic pattern of deaths among children who were part of the inoculation program, and our top priority should be to break this pattern by ensuring that we are able to moni­tor and prevent deaths that may be tied to the use of the Dengvaxia vaccine; passing this supplemental budget is the best way to achieve this,” pahayag ni Nograles.

Nauna nang ini­hain ng kongresista ang House Bill (HB) No. 7449 na pumupuntiryang magamit ang P1.16B na partial refund ng French pharmaceutical firm na Sanofi Pasteur para sa tulong-medikal sa mga nabakunahan.

Matatandaan na ang naturang panukala ay inaprubahan sa huli at ikatlong pagbasa ng Kamara bago ang sine die adjournment ng second regular session.

“I see Senate Pre­sident Tito Sotto as a man of action, and I’m confident he and the rest of the Senate will act in a timely manner for the sake of all these Filipino children. Lahat ng buhay ay mahalaga,” ayon pa kay Nograles.