Una sa Balita

₱.5B kita ng STL hindi nire-remit sa PCSO

0 659

LANTARANG iniha­yag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam na umaabot sa mahigit sa kalahating bil­yong piso ang hindi nire­remit sa PCSO ang si­ngil sa Small Town Lottery (STL).

Sinabi ni Cam, mala­king pera ang nawawala sa kaban ng PCSO dahil sa kagagawan ng mga delinkuwenteng STL ope­rator na “pinoproteksyonan” umano ng ilang tiwaling opis­yal ng PCSO.

“Lumaki nang lumaki ang shortfall o deficit sa kita sa STL ng PCSO dahil may nagbibigay sa kanila ng proteksyon” sabi ni Cam

Ayon kay Cam, inireport na umano niya kay General Manager Alexan­der Balutan ang mga operator na hindi nagre-remit pero ang sagot umano sa kanya ay pagbigyan na lamang.

Isa sa pangunahing dahilan sa pagkakansela ng prangkisa ng STL operator ay ang hindi pagre-remit nito ng kita sa PCSO.

Aniya, mag-iisang taon ng hindi nagre-remit ng pera sa PCSO ang mga delingkwenteng operator kaya mala­king pondo ang nawawala sa kaban ng gobyerno na dapat sana ay maitutulong sa mga mahihirap at paggawa ng iba’t ibang proyekto.

Inihayag pa ni Cam na ang mga hindi nagre-remit na operator ay mga dating heneral o mga kamag-anakan nila.

Nangako si Cam na ipaparating niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang problemang ito sa STL dahil ayaw umanong umaksiyon ni Balutan.

Sinabi naman ni Ba­lutan na huwag sila ang sisihin ni Cam kung hindi niya masingil ang mga operator ng STL. Nabatid si Cam ang in-charge sa koleksyon ng mga utang sa PCSO.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy