Una sa Balita

“Sarhan ko kayo lahat!”

By
0 189

“We will survive without you”

Ito ang binitiwang sali­ta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mi­ning companies na hinimok nitong magsara na lamang ng kanilang kumpanya kung hindi tatalima sa environmental rules.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kaya ng pamahalaan na mamuhay kahit wala ang P40B na nokokolekta nitong revenue sa mga mining companies.

Aniya, kung kapalit ng perang ito ay pang aabuso lamang sa yamang kalikasan ng bansa ay mainam nang sarhan na lahat ang mga mining companies.

“I will not allow it, sarhan ko kayo lahat. I can forego of P40B we collect and the Filipinos will survive without it.

Pag ayaw nyong sumunod ipapasok ko kayo sa butas at takpan ko kayo. Butas ng butas, landslide nang landslide, kaya nagkakaroon na ang ating bansa ng critical damage” pahayag ni Pangulong Duterte.

Aniya, ang mga may-ari ng mining companies lamang ang yumayaman at nasasaalang-alang pa dito ang likas na yaman ng bansa.

Muli ay dinepensa­han ni Pangulong Duterte si Enviroment Secretary Gina Lopez.

“She is not incompetent. She is a bright lady. She is simply a crusader,” pagtatanggol pa ni Pangulong Duterte kasabay ng paggigit na may basbas nya ang kampanya ni Lopez laban sa mga tiwaling mining companies.

Samantala sinabi rin ni Pangulong Duterte na paiimbestigahan nito ang black sand mining operation sa Zambales.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More