Una sa Balita

“NEVER KONG ITINANGGI SI ELLIE!” — JAKE

By
0 5

Buo na ang pagtanggap ni Jake Ejercito na siya nga ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Sa kanyang acceptance speech bilang Best New Male TV Personality sa katatapos pa lang na M-TV Star Awards, buong-puso niyang di­nedicate ang tropeo sa kanyang inspirasyon na tinawag niyang ‘My Ellie’.

Sa aming panayam sa kanya pagkatapos niyang tanggapin ang award, hindi siya naging maramot na pag-usapan ito. Ano ang pakiramdam niya na tinatanggap na niyang anak niya si Ellie?

“It was very relieving na sa ngayon ay napag-uusapan ko na ito very openly. I mean, ‘di naman talaga deserved ni Ellie na itago. Never ko naman siyang itinanggi, ha!” sabi niya.

Kung hindi nagsalita si Maxine Eigenmann, sa palagay niya ay mananatiling sikreto ito sa publiko?

Sagot ni Jake, “Honestly, I don’t know?

“Ako naman, I never denied it, eh.

“I never denied, I never pointed on anyone.

“All I did is to protect Ellie, kasi ayaw ko talagang pag-usapan!”

Dugtong pa niya, “Siguro ‘yong mga times…I did not answer directly, it was all because I want to protect Ellie. Kasi, ‘di ba, maraming parties involved, eh.”

Mga one-year ago na ba niya nadiskubre na siya talaga ang ama ni Ellie?

Biglang napaisip si Jake sabay sabi na, “Mga ganun…

“Even before I found out, I was…

“Let’s put it this way, when I found out, nagulat ako.

“But, I’m happy na and I have no regrets.

“Kasi, since sa conception pa lang ni Andi, I’ve been there, I was there.”

Inamin din niya na dumaan siya sa DNA test dahilan upang makumpirma na siya talaga ang tatay ng anak ni Andi. Paano nabago ang buhay niya pagkatapos niyang malaman ito?

“I am more motivated. Nga­yon, life has a new meaning.

“Mas naging responsable, ganun. At saka, mas naging happy.”

Ma­buti at hindi siya nagkakaroon ng problema kay Andi pagdating sa visitation rights niya sa kanilang anak?

Sagot niya, “Actually, medyo magulo pa.

“Pero, I’m happy.

“Kapag nakikita ko, I’m happy.”

Handa rin ba siyang kausapin si Andi na umamin na rin ito sa publiko?

Ani Jake, “I can’t give unsoli­cited advice, eh.

“That’s up to her, that’s up to her.”

Pinatunayan din niya na hiwalay na talaga sila ng ina ng kanyang anak.

“We’ve broken off mga two years na. We don’t see each other.

“Si Ellie, oo, nagkikita kami,” say na lang ni Jake.