Una sa Balita

“Maine, hinding-hindi kita pababayaan…!” — Alden

By
0 198

Naging emosyonal uli si Alden Richards sa first anniversary celebration sa Eat Bulaga ng loveteam nila ni Maine Mendoza noong Sabado.

Teary-eyed si Alden nang kantahin nila ni Maine ang Imagine You & Me, ang theme song ng kanilang pelikula at nang magbi­gay siya ng mensahe sa babae na ina-acknow­ledge niya na malaki ang kinalaman sa malaki pero magandang  pagbabago sa kanyang buhay at career.

Ang huwag magbago sa isa’t isa ang mensahe kay Maine ni Alden na naniniwala na kagustuhan ng Diyos na magkakilala sila.

“Siguro talagang ginusto ng Diyos na magka­kilala tayong dalawa para mangyari lahat nang ito para hindi lang mabago ang buhay natin kung hindi para mabago din ‘yung buhay ng ibang tao,” ang sabi ni Alden na nagbitaw ng pangako na hinding-hindi niya pababayaan si Maine.

Bryan White, SINTUNADO!
Nakakabuwisit ang boses!

Bilang paggunita sa unang anibersaryo ng AlDub loveteam, inawit nina Christian Bautista, Aicelle Santos, Paul Tagle, Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ng American singer na si Bryan White ang mga kanta na naging bahagi ng phenomenal success nina Alden at Maine.

maine-bryan-alden
Maine, Bryan at Alden

Kung naging emosyonal si Alden sa anniversary message niya para kay Maine, hindi namin napigilan na maging emosyonal habang pinapanood ang pagkanta ni Bryan ng God Gave Me You, ang ‘national anthem’ ng AlDub.

Pero imbes na maging emosyonal dahil sa kilig, pagkabuwisit ang aming naramdaman habang kinakanta ni Bryan ang kanyang hit song dahil sintunadong-sintunado ang boses niya.

Nagduda kami na niretoke lang ang boses ni Bryan nang i-record nito ang God Gave Me You noong 1999 kaya gumanda ito sa pandinig.

Sa unang guesting niya sa Eat Bulaga noong November 2015, ang God Gave Me You ang live na inawit ni Bryan at noon pa man, palpak na ang kanyang performance.

Ang second time guesting ni Bryan sa Eat Bulaga noong Sabado ang validation na hirap talaga siya sa pagkanta. Maraming beses nang kinanta ni Alden ng live ang God Gave Me You kaya masasabi namin na mas maayos ang boses at pagkanta niya kesa kay Bryan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More