Una sa Balita

“Help us clear you or else…”

By
0 3

Nakipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese businessman Peter Lim na una na nitong pinalanganan na “isa sa 3 bigtime drug leaders” na nag-o-operate sa bansa at kumukuha ng kanilang supply ng ilegal na droga sa Mainland China.

Una nang pinagbantaan ng Pangulo na ipapapatay niya si Lim sa oras na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa isang video na isinapubliko ng Malacañang kahapon ay makikita sina Pangulong Rodrigo at Lim na nag-uusap at ginanap ang pulong Biyernes ng gabi sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 11 office sa Davao City.

“We want to help you. Help us clear you. We’re not here to pin down innocent citizens,” pahayag­ ni Pangulong Duterte na ang tugon naman ni Lim ay “I could clear up everything because my family is really in deep problem now in Cebu. In any way, I will help, in all my ways I can.”

Sa pag-uusap ng dala­wa ay pinayuhan ni Pa­ngulong Duterte si Lim na sumailalim sa imbestigasyon para mapatuna­yan na wala itong kinalaman sa illegal drug trade, hinimok nito ang negos­yante na magtungo­ sa National Bureau of Investigation (NBI) at magdala ng abogado.

“I will advise you strongly to submit to an investigation, in my term. For now you are not guilty, but if I find out that you are, I will have you finished. You better go to the investigating agency, the NBI. I tell you what, I have warned to have you killed. It’s true, I will have you killed. If I see something that will show that you are involved in drugs, I will have you killed,” pahayag ni Pangulong Duterte kung saan sinabi nito na aatasan niya ang concerned agency na reb­yuhin ang kaso nito.

“They will review your case. We will be flatly fair. We are not ene­mies, we are not friends. We want to help you, help us clear you,” dagdag pa nito.

Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay tumanggi si Pangulong Duterte na makipagkamay kay Lim, “I’m sorry I cannot shake your hand,” giit ng Pangulo.

Inamin ni Lim na mula nang isabit ang kanyang pangalan ni Pangulong Duterte sa ilegal na droga ay nakakatanggap na ang kanyang pamilya ng mga pagbabanta.

Maliban kay Lim na sinabi ni Pangulong Duterte na lider ng drug syndicate na nag-o-ope­rate sa Visayas Region, matatandaang pinangalanan din nito sina Peter Co na in-charge naman umano sa Luzon drug operation at Herbert Colangco na nag-o-operate sa NCR. Sina Co at Colangco ay kapwa nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP).