Una sa Balita

“FOR MJ FAMILY ONLY”

By
0 94

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa tampok sa naging pakikipag-usap kay Indonesian President Joko Widodo ay ang kaso ng Pinay drug mule convict na si Mary Jane Veloso.

Gayunman, tumanggi itong magkuwento ng mga napag-usapan sa lagay ni Veloso na nahatulan ng parusang bitay at nakapiit sa Indonesia.

“I had a talk, this one of the topics of this conversation, everybody was excluded and a lot to co­ver, security arrangements including the Filipinos who are in jail and facing charges in Indonesia,” pahayag ni Duterte sa isinagawang press conference sa Davao International Airport pagdating kahapon ng mada­ling-araw mula sa pagbisita sa Indonesia at ASEAN summit sa Laos.

“There are matters that I cannot tell you now, I’m sorry, I’m not at a liberty but maybe, I can talk to the family first. We have to consider the feelings of the family,” dagdag ng Pangulo.

Nauna nang sinabi ni Philippine Ambassador to Indonesia Lumen Isleta na ang kaso ni Veloso ang isa sa top agenda sa itinakdang pulong nina Duterte at Widodo sa official visit na ginawa ng Pangulo ng Pilipinas sa Indonesia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy