Una sa Balita

“Dad, mami-miss kita kakuwentuhan, kaasaran at kainuman!

0 6

Masyado pang bata (52 years old) ang ama ni Kean Cipriano, para mawala sa mundo. ‘Yan ang reaksiyon ng mga supporters sa biglaang pagkamatay ng tatay ni Kean.

Pero sabi nga, wala ring pinipiling edad ang pagkamatay… Kung oras mo na, oras mo na…

Marami nga ang nalungkot sa mensahe ni Kean na ipinost niya sa Instagram tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama…

“This is the saddest day of my life. Dumating ang araw na pinakakinakatakutan ko. Ang bilis.

Nakakagulat. Pero alam kong everything is wri­t­ten in heaven and everything is in God’s will.

“I will miss you Dad! I’m sure the angels will take good care of you. I’m sure you’re in a peaceful place now! At alam kong magkikita rin tayo riyan one day!

“Thanks for devoting your life to our family. For living an awesome life with us and for us.

“Dadalhin ko lahat ng natutunan ko sa’yo habangbuhay! Kasama ka sa lahat ng pangarap ko!

“Mami-miss kita kakuwentuhan, kaasaran at kainuman! Mami-miss ko na yakapin at halikan ka! ‘Yung tawa mo, ‘yung boses mo. Lahat! Lagi kang nasa puso ko!! You will always be my idol and my inspiration!

“I love you so much Dad! I promise to take good care of mommy, and my brothers! Please always watch over us!

“We’ll be strong for you! Mahal na mahal ka namin Daddy!! Maraming nagmamahal sa’yo at maraming kami na pinagdadasal ka.

“Alam kong makakarating sa’yo tong post na to!! Cheers Dad!! MAHAL NA MAHAL KITA! Lagi kang nasa dasal ko. Rest in peace! Maraming Salamat Dad!”

“Your baby boy,” – Kean

PS: life is too short. Kaya Habang may oras pa tayo sa mundo, mahalin nyo ang mga magulang nyo. Peace!