Una sa Balita

“Ang nagku-comment ng negative kay Pacquiao, mga inggit lang!” — Chavit

By
0 146

Nakuhang magbiro ni dating Governor Chavit Singson na “baka malugi ako” nang sabihin namin na itong 2016 ay maituturing na busy year niyang talaga. Pero natawa lang ito at sinabing actually raw, ‘yung kikitain naman niya kung sakali sa Miss Universe na gagawin sa bansa ay ibibigay lang din niya sa charity and that he will be very transparent on it.

Nagkita na rin pala sila nang personal ng reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach. Kumusta naman si Pia?

“Okey naman, nakikipag-coordinate naman, kahit anong sabihin ng Miss Universe sa kanya.”

Biniro ng press si Chavit kung bakit daw niya itinago ang pagkikita nila ni Pia.

“Hindi naman,” mabilis na sagot niyang ­natatawa.

“Kapag may meeting kami ng Miss Universe, kasama siya.”

Maganda ba si Pia?

“Siyempre, Miss Universe, eh!”

Nagpasalamat naman daw si Pia sa kanya dahil all-out support naman daw siya sa Miss Universe.

Sa isang banda, hindi lang naman ang Miss Universe ang sinusuportahan ng dating Governor, matagal na siyang kilalang tagasuporta ni Senator Manny Pacquiao sa mga laban nito.

Tuloy nga raw ang laban muli ni Manny sa November, kabaligtaran ng sinabi nitong huling laban na ang huli at tuloy pa rin ang suporta niya rito.

Ayon naman kay Chavit, “Nangako nga siya pero mas maraming gustong lumaban siya, hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo.

“Hindi naman natin maikakaila na malaki naman ang nagawa ni Manny sa ating bansa. Nakilala naman ang bansa dahil sa kanya.

“Ang nagku-comment ng negative sa kanya, mga inggit, walang magawa.”

Nagdaos ng thanksgiving party si Chavit sa kanyang mansion sa Corinthian Garden para sa entertainment press. Isa sa nagmarka sa amin na paulit-ulit niyang naging pahayag nang tanungin ito kung paano nga ba mas maipapakilala ang sarili, sinabi niyang, “basta hindi ako masamang tao katulad ng sinasabi ng iba.”

Anyway, isa rin pala sa puwedeng abangan sa kanya ay ang kanyang show na Happy Life.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More