Una sa Balita

“Akala ko mag-i-EXPLODE ang ulo ko!”

0 8

Present sa ribbon cutting ng Ka Tunying’s Café sa Timog Ave., QC sina Amy Perez, Karen Davila at Kris Aquino, habang si Mike Enriquez mula sa Kapuso news program na 24 Oras ang kasama sa okasyon.

Patunay lang na walang network war sa negos­yong ito ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna. Sa Visayas Avenue ang unang branch ng Ka Tun­ying’s Café.

Kaibigan ni Kris ang mag-asawang Anthony at Rossel kaya naman kahit may iniinda na pitch nerve sa bandang itaas ng leeg eh, dumalo pa rin siya sa ribbon cutting.

Abante Hiring – IT dep

“Kaya meron akong nilagay na salonpas!” saad ni Kris nang tanungin sa dinaramdam.

May bago raw siyang nalaman na treatment para rito na ini-inject lang kaya ‘yon ang sasadyain niya after ng opening ng Ka Tunying. Tumaas rin daw ang kayang blood pressure dahil sa sakit na dulot nito.

“Akala ko mag-i-explode ang ulo ko sa sakit!” sabi pa ng Multi-Media Star.

“I’m normal. It’s just the pain talaga. Grabe!” dagdag ni Kris.

Nang hingan si Kris ng permiso upang ma-interview, nakiusap na tungkol lang sa pagdalo niya ang itanong.

“Congratulations. Naka-bed rest ako ng limang araw pero tumayo talaga ako for the love of the couple, Tun­ying and Rossel. I wished them talaga kasi ang galing nila na nag-expand talaga in less than a year.

“And I hope na…Same time rin, August, ‘yung nangyari. Sana hindi maulit ‘yon at sana tuluy-tuloy ang success ng dalawa and thank you sa dalawa for being true friends,” pahayag ni Kris.

Ano ang nangyari sa neck niya?

“Pitch nerve. Ito sa left shoulder tapos kumalat. Tapos nag-migraine. Tiniis ko. Tuesday nag-start, Wednesday ‘yung sobrang lala! Eh, it’s the 82nd birthday of my uncle. Nang pauwi, when I got home, I kept throwing up and then nu’ng B-ni-P ako, 170/108.

“Mabait ‘yung neurologist ko. At 10 o’clock, pinuntahan ako to check.

“Pasensiya na. Huwag ninyo akong tanungin ng anything kasi apat na gamot ang iniinom ko. Baka kung ano ang masabi ko.

“Nakaapat akong gamot, Hindi ko maaalala ang mga sinasabi ko. Don’t ask me about anything. Baka kung ano ang masabi ko. Hindi ko maaalala tapos hindi ko naman madidenay!” hiling ni Kris at kumain na ng lunch na handa ng Tunying’s Café.

Anyway, mga bagong putahe ang ipinatikim ng tinaguriang power couple sa opening, gaya ng ulam, meryenda, agahan, tanghalian at hapunan pati na rin palamig.

Ang ilan sa bagong putahe ay May Asim Pa Ako – bulalo (Kansi), Pusit Bicolano (squid stuffed with Bicol Express), Sinigang na Ulo ng Sal­mon sa Kamias, Grilled Pork Chop Sinigang at Kalma Lang Mare, Calamares! Ayon kay Rossel, avid listener ni Anthony ang may-ari ng building. Kaya naman nang i-offer sa kanila ang puwesto ay tinanggap nila.

Pinabulaanan naman ni Ka Tunying na hindi porke nasa tapat ang café sa GMA eh lilipat na siya. Patunay lang na pagdating sa pagkaing Pinoy, walang labanan ng network!