Una sa Balita

‘Yaya’ ni Ai Ai, pambato ng Regal sa MMFF!

By
0 7

Kinumpirma ng Regal Entertainment Inc. producer na si Roselle Monteverde na isasali nila sa Metro Manila Film Festival 2016 ang Mighty Yaya, ang comedy/fantasy movie na pinagbibidahan ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas.

Contrary to earlier reports, hindi pa tapos ang  Mighty Yaya dahil may nalalabi  pa na dalawang araw na shooting.

Sinabi ni AiAi na bagay na bagay sa MMFF ang Mighty Yaya dahil pambata ang kuwento nito at talagang maaaliw ang manonood.

Bukod sa Mighty Yaya, binabalak din ng Regal na ipasok sa MMFF ang Mano Po 7. Kasama na si Jake Cuenca sa cast ng Mano Po 7 at kinunan ang mga eksena niya noong Huwebes.

“Malapit nang ipalabas ang My Rebound Girl (starring Alex Gonzaga and Joseph Marco) sa September 28.

“After that, The Escort, Lovi Poe, Derek Ramsay and Christopher de Leon with Jean Garcia, that’s on November 9 and then, kung mapili kami for the Metro Manila Film Festival, we’re preparing Mano Po 7 with Richard Yap and Janella Salvador.

“We’re also filming now ‘yung kay Tommy Esguerra and Miho Nishida, kasama si Angeline Quinto, ‘yung Never Been Kissed, Never Been Touched with Jake Cuenca,” ang pagbibigay ni Roselle ng mga impormasyon tungkol sa mga upcoming movie ng Regal Entertainment Inc.

Nakalinya rin ang horror movie na Pwera Usog at Recipe For Love. Launching movie ni Devon Seron ang Pwera Usog at lead actor naman ng Recipe for Love si Billy Crawford.

“Light comedy ang Recipe for Love. Natuwa kami kay Billy Crawford sa That Thing Called Tanga Na.

“Chef naman siya sa Recipe for Love at kasama niya si Megan Young,” ani Roselle.