Una sa Balita

‘Vertek’ at Raterta tuloy ang misyon

By
0 0

Isa nang alamat si two-time Olympian Eduardo ‘Vertek’ Buenavista sa Philip­pine running history at maging sa National MILO Marathon pero may hinahabol pa siya.

Samantalang patuloy namang tatakbo pa rin si Luisa Yambao-Raterta para makasama sa kasaysayan nang pamosong karera sa bansa kung saan naroroon na ang kanyang nakatatandang kakambal.

Kabilang ang dalawa sa marami na may mga hinahabol pa para makarating sa tugatog ng tagumpay, gayundin ang nasa apat nang dekada sa taong itong ka­rera na patuloy naman humihikayat sa lahat na tumakbo para magkaroon nang mabuting kalusugan.

Abante Hiring – IT dep

Kahapon ng umaga sa NMM-Metro Manila Elimination Race sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City, sinimulan na ng dalawa ang kanilang mga misyon nang pamayagpagan ang kani-kanyang division at makapasok sa National Finals sa Disyembre 4 sa Iloilo City, taya rito ang slots para sa susunod na taong 11th Tokyo Marathon 2017 para sa top male and female.

Isang all-the-way win ang tinatak ng five-time National MILO Marathon king sa clocking na 2 hours, 45 minutes at 34 seconds sa men’s battle-of-champions nila ni  three-time winner Cresenciano Sabal na second place na 9 mins. at 14 seconds behind. Third si many-time NMM leg ruler Roger Denolo (2:54:53).

“Gusto kong mapantayan ang record ni Roy Vence na naka-anim (National Finals) na kahit na parang nalampasan ko na ang record niya sa MILO Marathon kasama ang mga panalo ko sa (Metro) Manila,” pag-amin ng 37 years old Sto. Niño, South Cotabato native sa post race interview.

Karamihan sa pagpasok sa Finals ng Cebuano sa kanyang six championships ay mula sa Cebu Eliminations na isang 21K race o half-marathon. Samantalang nakailan na sa Manila si Vertek dahil sa residente na ng Antipolo City.

Tagumpay namang naidepensa ni Raterta, 34, tubo, lumaki at sa Sta. Rosa City pa rin naninirahan, ang women’s crown 3:15:00 sa walang-linggong panalo at paggulantang kay two-time queen Jho-Ann Banayag na nahuli ng 2 min. at 47 sec. Tumersera si Cinderella Agana-Lorenzo sa 3:20:03.

“Opo gaya ni ate Liza, gusto ko rin talagang mag-champion sa Finals. Hanggang kaya ko pa habol ko pa rin yun,” anang ina ng dalawang anak na babae na mga runners na rin sa reporter na ito na isa side event – 10K — finisher bago ang awarding na nagkaloob din ng P50,000 cash sa kanya gaya nang grasya ni  Buenavista.

Sina MILO sports marketing manager Andrew Neri at RunRio, Inc. president Rio dela Cruz ang nanguna sa awarding kung saan may 32,920 ang tumugon sa starting gun. May 2,528 sa full-marathon, 1,780 sa half-marathon, 3,118 sa 10k, 23,854 sa 5k at 1,640 sa 3k.

Kaagapay sa matagumpay na pagdaraos nito ang Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Philippine Athletics Track and Field Associatin, Department of Education, Asics, Salonpas, Timex, 2XU, Endurance, Hisense, Maynilad at PhilamLife. ()