Una sa Balita

‘Tulak’ bulagta sa habulan

By
0 1

Dead on the spot ang wanted drug personality sa bayan ng Mendez, Cavite, matapos madiskaril ang ikinasang buy-bust operations at mauwi sa panlalaban ng suspek sa mga awtoridad sa nangyaring engkuwentro dakong alas-12:00 ng hatinggabi kamakalawa.

Kinilala ng Mendez Municipal Police Station ang nasawing suspek na si Ronnie Bacos, no.7 sa drug personality watchlist, matapos pagbabarilin ang mga humahabol na parak, habang angkas ito sa motorsiklo na minamaneho ng nakatakas at hindi nakilalang kasabwat nito.

Nabatid na plantsado na sana ang buy-bust sa Tagaytay-Mendez boundary road, ngunit nakaa­moy ang mga suspek at pinasibad ang kanilang single MC na get away vehicle, at umabot ng hanggang Silang, Cavite ang running gun battle.