Una sa Balita

‘The Sensations’ nina Vilma-Bobot, ibabalik sa TV!

0 141

Imagine, going 12 years na ang kiddie-gag-show na Goin’ Bulilit. Ilang batch na nga ba ng mga teenagers ang grumadweyt sa show at karamihan sa mga ito ay masasabing mga sikat na teen stars/young stars ng Kapamilya network?

Ilan sa mga ito na maituturing na “anak-anakan” ng nagpasimuno ng Goin’ Bulilit na si Direk Edgar Mortiz at anak na si Direk Frasco Mortiz ay sina Miles Ocampo, Jane Oineza, Kiray Celis, Sharlene San Pedro, Mika dela Cruz, Nash Aguas, Alexa Ilacad at sina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

Very proud si Direk Bobot sa Goin’ Bulilit na oo nga raw, dahil mga bata ang artista nila at wala namang mga isyu at hindi pa masasabing mga kilala ng artista kaya hindi sila madalas mabalita, pero, ang rating daw nila, consistent na mataas. Siyempre, wish nito na mas magtagal pa ang programa.

Naalala namin ang Ang TV! Noon na sikat na sikat din, pero, 5 years lang pala ang itinagal nito sa ere. Nagkaroon ng Ang TV part 2, pero hindi naman tumagal.

Pero ang GB, heto’t papuntang 12 years na at mukha namang magtatagal pa at matutupad ang wish ni Direk Bobot.

Sanay na nga raw sa Kapamilya network na dalawa ang pinaka-palaging naririnig na tanong at isa na rito ay ang, “Paano ba makakapasok sa Goin’ Bulilit?”

Parang isang bonggang workshop o training ground ng mahuhusay na artista ng ABS-CBN ang Goin’ Bulilit na sa ngayon nga, may bagong walong bata na magiging part ng GB.

Kilala na si Raikko Mateo na kasama ni Piolo Pascual sa Once in a Lifetime movie sa Regal Films at  siyempre, bilang si Honesto. Eh, join na nga ang anak ni Vandolph na si Vito Quizon at anak ni Camille Prats na si Nathan Prats.

At ang mga baguhan pero bilib na bilib na si Direk Bobot na sina Marc Pingol, Chunsa Jung, Sophia Reola, Cessa Moncera at Lilygem Yulores.

Habang patuloy pa rin namang napapanood sina Izzy Canillo, Clarence Delgado, Mutya Orquiza, Bea Basa, Ashley Sarmiento, CX Navarro, JB Agustin, Kazumi Porquez, Mitch Naco, Allyson Mcbride and Josh de Guzman.

Anyway, dahil naging busy sa Dolce Amore si Direk Bobot at hindi pa raw niya naasikaso ang pagbabalik ng teen show ng network after na mawala ang LUV U, parang naiisip nitong gawin ang The Sensations nila ni Gov. Vilma Santos na this time, ang mga graduates at mga teen stars ng network naman ang puwedeng mapanood.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy