Una sa Balita

‘One Love’ party for Duterte: Todong kapkapan at hubad-medyas!

By
0 4

Kasado na ang preparasyon pati ang ilalatag na seguridad sa inaasahang pinakamalaking pagtitipon sa Davao City ang “One Love, One Nation” Thanksgiving Party para kay inco­ming President Rodrigo Duterte.

Tiniyak ni Katrina Mae ‘Kat’ Dalisay, event organizer, na hindi mangyayari sa okasyon ngayong araw ang sinapit na trahedya sa isang rave party sa Pasay City.

Libu-libong security personnel ang ikakalat sa venue, ayon sa organizer.

Abante Hiring – IT dep

Bahagi ng security plan ang pagkakaroon ng isang entrance at tatlong exit kung saan pagpasok pa lamang ng mga dadalo ay pahuhubarin ng medyas ang mga ito para matiyak na walang makakalusot na kontrabando.

Binalaan din at pinaalalahanan ng organizer ang mga dadalo na libre ang tiket kaya huwag maniwala sa mga nag-aalok at nagbebenta ng halagang P20,000 na tiket.

Sinabihan din ng organizer ang mga makiki-party na hindi pwedeng magpasok ng sasakyan sa venue.

Kailangan mag­lakad ang mga dadalo ng higit isang kilome­tro papunta sa Crocodile Park kung saan gaganapin ang thanksgiving party.

Bawal din magdala ng payong kaya magsuot ng panangga sa ulan, tulad ng kapote, jacket at sumbrero.