Una sa Balita

‘Kusina’ ni Regine, tagumpay!

By
Regine Velasquez-Alcasid
0 3

Naging successful ang pag-launch ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ng kanyang cook book titled Bongga sa Kusina na mga naging recipes niya sa kanyang cooking show sa GMA-7 na Sarap Diva. Nagkaroon ito ng book signing kamakailan sa Eastwood Mall.

Ang nasabing libro ay regalo niya ito sa kanyang fans para sa walang sawa nilang suporta sa kanya sa mahigit na 30 years sa showbiz. Ayon pa kay Regine, nag-umpisa siyang magluto dahil gusto niyang ma-impress sa kanya ang mister na si Ogie Alcasid.

This all came about because I wanted to cook for my husband. Syempre, being a new cook, mom, wife, you always try to find new dishes to cook for your family.

“Sarap Diva has really taught me a lot. Nung lumalaki na si Nate I got busy with him, sabi ko tulungan na lang ako ni Chef Jonah, our resident chef. He is a big help for me. And so yung mga recipe na niluto ko dito tinuro niya sa akin pero once in a while I do my own twist.”

Naging special guest nga ni Regine sa cook book launch niya ay ang dalawang anak ni Ogie na sina Laila at Sarah na lumipad pa all the way from Australia kasama ang kanilang inang si former Miss Australia Michelle Van Eimeren.

Naging isang instant family reunion nga raw ang naturang book launch. Katatapos lang ng kanyang teleserye na Poor Senorita at pahinga nga raw muna siya ulit sa pag-arte sa TV.