Una sa Balita

‘Kolorum’ gagawing criminal case

By ,
0 235

Dapat na umanong gawing kasong kriminal ang pagpasada ng mga kolorum na van na nagpapanggap na UV Express na sasakyan.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Atty. Ariel Inton, maituturing na economic sabotage ang pagbiyahe ng mga kolorum na van dahil nakikipagkumpitensya sila sa mga lehitimong may prangkisa.

“I say, legislate to make colorum activity as a criminal offense! Colorum operations is a form of economic sabotage because it unfairly competes with the legitimate franchise holders,” ayon kay Inton.

May nakabinbin umanong panukalang batas sa Kamara upang gawing kasong kriminal ang pamamsada ng mga kolorum subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito naaaksyunan. I recall that Cong. Jess Manalo of Angkla has a pending bill in congress making colorum criminal. I think it should be refilled and eventually be passed”.

Fernando: Sunugin ang mahuhuling kolorum

Dahil problema na kahit noong chairman pa lang siya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kolurum sa Metro Manila, nagbiro si Marikina Rep-elect Bayani Fernando na sunugin na agad ang lahat ng iligal na mahuhuli.

Sa ambush interview kay Fernando sa Kamara matapos dumalo sa “Executive Course on Legislation para sa mga neophyte congressmen, iginiit nito na dapat malugi ang mga operator ng mga kolurum na sasakyan kaya nais umano nitong taasan ang multa sa mga sasakyan na iligal na namamasada.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More