Una sa Balita

‘Kayo ang i-boycott ko!’ — Duterte

By
0 2

“Kung ayaw n’yo daw mag-boycott sa kanya, s’ya daw mag-boycott sa inyo.”

Ito ang mensaheng ipinaabot sa media ni Christopher ‘Bong’ Go, executive assistant ni President-elect Rodrigo Duterte.

May koneksyon ang mensahe sa banta at panawagan ng isang media group na huwag nang i-cover ang mga press conference ni Duterte bilang protesta at pag-alma sa kinababanasan nitong statement sa isang press conference kamakailan patungkol sa media killings.

Matatandaan na diretsahang ipinunto ni Duterte na karamihan sa mga napapatay na miyembro ng media ay pawang mga corrupt.

Umalma ang tiga­sing mayor ng Davao matapos hikayatin ng Reporters Without Borders, isang international media welfare group ang mga journalist na isnabin ang mga presscon nito.

Kaya naman ang tugon ni President Digong sa media ay i-boycott siya at sa government owned network stations na lamang siya maghahayag ng kanyang mga mensahe, polisiya at mga programa.