Una sa Balita

‘Igme’ sa Casiguran, Quezon umentra

By ,
0 1

Ang severe tropical storm ‘Igme’ na may international name na Chaba ay tuluyan nang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si Igme ay may taglay na lakas ng hanging 100 kilometers per hour (kph) at bugso ng hangin hanggang 125 kph.

Ang bagyong Igme ay namataan sa layong 1,380 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora at kumikilos sa bilis na 25 kph hilagang kanluran.

Ayon sa PAGASA, hindi direktang tatama sa kalupaan si Igme at inaasahang lalabas na ito ng PAR sa Martes ng umaga.

Inaasahan naman ang katamtaman hanggang panaka-nakang malakas na pag-ulan ang iiral sa ilang lugar sa bansa.